Saturday, July 2, 2016

Bataan: Bayani at Banal

Isa sa mga pinakatumatak na kanta sa akin bilang isang Bataeno ay ang Bayani at Banal. Ang musika ay likha ng isang magaling na kumpositor, Ryan Cayabyab; at nilapatan ng salita ni Obispo Soc Villegas.

Pakinggan ang musika:Bayani at Banal

Tayog ng kagitingan
Itong aming lalawigan
Pinabanal at dinakila
Bayang magiliw pinagpala
Tapos na ang digmaan
Narito na ang kapayapaan
Tuloy pa rin ang paglaban sa tukso at kasalanan
Bataan Bataan
Peninsulang minamahal tinawag maging banal
Ng Panginoong sa'yoy humirang
Bataan Bataan
Peninsulang minamahal tinawag maging banal
Ng Panginoong sa'yoy humirang
Ban-kabanalan at kaparian
Kabanalan ng sambayanan
Kabanalan at kabayanihan
Hamon sa'yo
Bataan Bataan
Bataan Bataan
Peninsulang minamahal tinawag maging banal
Ng Panginoong sa'yoy humirang
Bataan Bataan
Peninsulang minamahal tinawag maging banal
Ng Panginoong sa'yoy Humirang



Sa dinami-rami na ng pinagdaanan ng aming lugar, nanatili itong matatag at patuloy itong umuunlad. Ang kantang ito ay sumisimbolo na ang lugar ay "iisa" at walang katulad- ito'y pinagpala ng Poong Maykapal.

No comments:

Post a Comment